Barangay Magacan, Sanchez mira, Cagayan

Project Description

Sa mga nagdaang Barangay Assemblies, laging walang quorum. Kung kaya’t kapag may mga ordinansa o national laws na ibinabahagi tuwing Barangay Assembly, wala pa sa kalahati ng populasyon ng barangay ang nakakaalam. Kaya ito ay isa sa mga sanhi kung bakit nasa above average ang participation at rating ng aming barangay sa mga evaluations. Sa pamamagitan ng Clash of Puroks, tutugunan nito ang mababang participation ng mga residente dahil ito ay magiging daan upang mahikayat ang mga residente na makilahok sa mga pagpupulong at pagimplement ng mga programa sa kani-kanilang mga purok. Ang Clash of Puroks ay magiging isang incentive program para sa mga Purok sa aming barangay. Isa sa gustong makamit ng aming barangay ay ang maging competitive sa tamang paraan gaya ng pagsunod sa mga batas at direktiba ng national government upang sa ganon, ang mga kabataan ang mamulat sa mga ito nang sa gayon, ito ang maging ugali at kultura na maaaring magtuloy-tuloy sa mga susunod na henerasyon.

Contact Person

Name: Henson Oamil
Email: ammagacan1960@gmail.com